Month: Agosto 2024

Kasing Tatag Ng Bakal

Kilala ang ironclad bettles sa matigas na balat na nagpoprotekta sa kanila. Kahit madaganan ng mabibigat na bagay, nababanat lang imbis na mabasag ang matibay nitong balat. Ayon sa mga siyentipikong eksperimento, kaya nitong mabuhay kahit madaganan ng bagay na 40,000 na beses ang bigat kaysa rito.

Kung paanong ginawa ng Dios na sobrang tibay ng salagubang na ito, binigyan Niya…

Mahabaging Ama

Pagkatapos alisan ng tumor sa utak, naiwan ang kitang-kitang peklat sa gilid ng ulo ng walong taong gulang na si Gabriel. Nang sabihin ng bata na pakiramdam niya ay halimaw siya, nagkaroon ng ideya ang tatay niyang si Josh: ipakita ang pagmamahal sa anak sa pamamagitan ng pagpapalagay ng tattoo sa gilid ng ulo, katerno ng peklat ni Gabriel.

Sabi ng salmista,…

Ang Nagpabago Ng Buhay Ko

Ayaw ng pitong taong gulang na Thomas Edison sa paaralan. Isang araw, natawag pa nga siyang “lito ang isip” ng isang guro. Umuwi siya. Pagkatapos makausap ang guro niya, minabuti ng kanyang ina na turuan na lang siya sa bahay. Sa tulong ng pag-ibig at paghikayat ng nanay niya (at ng pagkahenyo na regalo ng Dios), naging isang dakilang imbentor…

Durog at Maganda

Sa unang tingin, inisip kong ang ipininta ni Makoto Fujimura na Consider the Lilies ay simple lang. Pero nabuhay ang larawan nang malaman kong ipininta iyon gamit ang 80 na patong ng dinurog na mineral sa isang istilo ng sining na tinatawag na Nihonga, o “mabagal na sining.”

Habang tinitingnan, mas nakikita ang patung-patong na pagkakumplikado at kagandahan niyon. Ipinaliwanag ni…

Talinghaga Sa Pag-aasawa

Matapos ang 22 taon ng pagsasama, minsan napapaisip ako kung paano gumagana ang kasal namin ni Merryn. Manunulat ako; statistician siya. Mga salita ang tinatrabaho ko; siya numero. Galing kami sa magkaibang mundo. Sinusubukan ko ang mga bagong pagkain sa menu; siya pareho pa rin ang oorderin. Pagkatapos ng 20 minutos sa art gallery, nagsisimula pa lang ako; pero si Merryn…